Ex-SEC chair Perfecto Yasay pinayagang makalabas ng ospital

0
38

Pinayagang makalabas ng ospital si dating Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Perfecto Yasay upang dumalo sa kanyang bail hearing sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 10.

Si Yasay ay inaresto ng Manila Police District dahil sa di umano’y pakikipagsabwatan sa limang iba pa upang makapag loan ng P350-M sa isinarang Banco Filipino Savings Bank kung saan naging opisyal sya mula 2001 hanggang 2009.

Gayunman, sa ospital nagpalipas ng magdamag si Yasay matapos na tumaas ang kanyang blood pressure.

Samantala, kinakailangan pa ring makabalik agad ng ospital si Yasay para muling sumailalim sa panibagong serye ng medical tests.