Ex-SAP Bong Go walang nilalabag sa election law — Abas

0
45

Hindi minamasama ni Comelec o Commission on Elections Chairman Sheriff Abas ang pagsama pa rin dating Special Assistant to the President Bong Go sa mga aktibidad na dinadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Abas, walang nilalabag na anumang probisyon sa Omnibus Election Code si Go sa kanyang pagsama sa pangulo dahil personal na relasyon aniya ito ng dalawa.

Dagdag ni Abas, wala siyang nakikitang problema basta’t hindi nagagamit ni Go ang pondo ng pamahalaan.

Una nang binabatikos si Go sa madalas pa rin nitong pagsama sa mga aktibidad ng pangulo kahit pa wala na ito sa pwesto.