Ex-DFA sec nahirapang makapasok sa HK

0
49

Nahirapan si dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario na makapasok sa Hong Kong.

Mahigit sa isang oras na sumalang sa pagtatanong ng immigration officials si Del Rosario sa kabila nang nakalinya ito sa special lane.

Aminado si  Philippine Consul General Antonio Morales na mas matagal kesa sa karaniwan ang pagproseso sa pagpasok ni Del Rosario sa Hong Kong.

Ayon kay Morales, inasahan na nila ang insidente matapos mapag-alamang dadalo si Del Rosario sa first pacific board meeting sa Hong Kong kaya’t sumulat sya sa Hong Kong immigration upang ipagbigay alam ang pagdating ng dating kalihim at gagamit ito ng special lane.

Gayunman, nang hindi anya sumagot sa kanyang liham ang Hong Kong immigration ay minabuti nyang magpadala ng tauhan para asistihan si Del Rosario.

Una rito ay hinarang rin at isinailalim sa pagtatanong ng Hong Kong immigration si Retired Ombudsman Conchita Carpio Morales .

Matatandaang kinasuhan nina Morales at Del Rosario si Chinese President Xi Jin Ping sa International Criminal Court noong Marso.