Ex-BuCor legal chief handa na sanang magsiwalat sa kwestiyunableng GCTA law bago tambangan —SP Sotto

0
10

Handa na sana si dating Bureau of Corrections (BuCor) official Atty. Fredrick Santos na ilahad ang lahat ng kaniyang nalalaman hinggil sa kuwestiyunableng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law bago ito tambangan ng mga hindi na kikilalang suspek, kahapon, ika-19 ng Pebrero.

Ito ang binigyang diin ni Senate President Vicente Sotto III, kung saan dapat aniyang agad na kumilos ang mga otoridad para mapanagot ang nasa likod ng naturang pamamaslang.

Ayon kay Sotto, ipinabatid ni Santos kay Senador Panfilo “Ping” Lacson na nais na nitong ibulgar ang lahat ng anomalyang kaniyang nalalaman hinggil sa katiwalian sa pagpapatupad ng GCTA.

Sinabi ng senate president, dapat na tutukan ng Department of Justice (DOJ) ang naturang krimen.