Ex-BOC official pinaaresto ni Pangulong Duterte

0
49

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay dating Bureau of Customs (BOC) Intelligence Officer Jimmy Guban dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na mga gawain sa BOC.

Ayon sa pangulo, tinutukan niya ang pagdinig ng mababang kapulungan kahapon kaugnay ng naipuslit na mga droga sa BOC sa pamamagitan ng magnetic lifters.

Sa naturang pagdinig inamin ni Guban na maliban sa droga ay sangkot din siya sa iba pang iregularidad sa Customs gaya ng pagpupuslit ng bigas, bawang, sibuyas at iba pang mga kontrabando.

Dahil dito, inatasan ng pangulo si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na hulihin si guban at dalin sa tanggapan Ng National Bureau of Investigation (NBI).

“Sabi ni Albayalde na hindi pa raw kasi under the custody of the Senate, good for you. But I will be ordering the arrest lahat sila. Pabalik-balik yan pati yung mga police na assign noon sa early on yung narcom hanggang ngayon sila pa rin ang nandyan.” Pahayag ni Duterte.

Samantala, hindi naman naitago ng pangulo ang kanyang labis na pagkadismaya sa nagpapatuloy na korupsyon sa pamahalaan.

“So there has to be something seriously wrong. Kasi ginawa ko na ang lahat papalit-palit ako ng tao. Alam mo the system really is corrupt. This government, democracy natin is not working unless we have a graft-free country or at least a semblance of regularity.” Ani Duterte.