Ex-BOC official inilipat ng Senado sa kustodiya ng NBI

0
47

Inilipat na ng Senado sa National Bureau of Investigation (NBI) ang custody ni dating Bureau of Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Ipinabatid ito ni Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon na nagsabi ring ipinaalam niya kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang paglipat sa NBI ni Guban bilang courtesy na rin dito.

Kasabay nito, kinumpirma ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagsasailalim kay guban sa witness protection program (WPP) matapos ihayag ni Gordon na delikado na sa Senado ang opisyal na tetestigo laban kay dating Police Senior Supt. Eduardo Acierto.

Sa kaniyang affidavit na binasa sa pagdinig ng blue ribbon committee kahapon, sinabi ni Guban na si Acierto ang nag tip sa kaniya kaugnay sa shipment na naglalaman ng bilyong pisong halaga ng illegal drugs ang ipupuslit sa bansa.

Tinulungan pa aniya siya ni Acierto na mabawi ang 500 kilo o 3.4 billion pesos na halaga ng shabu na nasa magnetic lifters sa MICP nuong Agosto 7.

“Upon hearing this, I immediately responded that it was not possible to do, and I declared to Col. Acierto that we from the BOC would cause the apprehension of these drugs. This is my duty as government employee and customs intelligence officer.” Pahayag ni Guban.

Ang nasabing magnetic lifters ay katulad ng mga wala nang lamang magnetic lifters na nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang warehouse sa Cavite nuong Agosto 8.

Ayon pa kay Gordon, kailangang magpaliwanag si acierto kung sino ang mga taong nasa likod niya.

“Ang unang theory ko diyan pinalabas yung malaki para tapos pinahuli yung maliit. Pero, I think they were really trying to get it out.” Pahayag ni Gordon.

Sa ganitong pangyayari, sinuportahan ni Gordon ang desisyon ng pangulo na military take over sa BOC.

“Kaya ako nakikita ko yung ginawa ni President Duterte na may lawless violence.” Ani Gordon.

Samantala, inirerekomenda ng blue ribbon committee ang pagsailalim sa WPP ni Customs Deputy Collector Lourdes Mangaoang.

(with report from Cely Ortega-Bueno & Bert Mozo)