Ethel Booba wagi sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition

0
27

Pinuri ng mga hurado at manonood ang komedyanteng si Ethel Booba bunsod ng naging winning number niyang “Never Ever Say Goodbye” ni Nonoy Zuñiga sa “Tawag ng Tangahalan” o TNT ng “It’s Showtime”.

Dahil dito, itinanghal si Booba bilang kauna-unahang celebrity grand champion ng TNT.

Pasok naman sa top 3 ang iba pang celebrities na sina Jason Fernandez at Roxanne Barcelo.

Una rito, nabanggit pa ni Booba na muntikan na siyang mag-back out sa kompetisyon makaraang makaranas ng vocal problem pero nalagpasan niya ito dahil sa alkohol.

Maliban sa tropeo, nakuha rin ni Booba ang 300,000 pisong premyo at recording contract.