28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Espinosa naghain ng not guilty plea sa murder case na kinakaharap nito

- Advertisement -

Naghain ng not guilty plea ang self-confessed drug operator Kerwin Espinosa sa kinakaharap na kasong pagpatay sa isang dating kapitan ng barangay sa Albuera, Leyte.

Si Espinosa ay akusado sa pagpatay kay Vicente Jabon noong May 31, 2006 at ang kaso ay hawak ng Manila RTC branch 40.

Sinasabing kasabawat ni Espinosa sa naturang kaso sina Stephen Bobares at Max Miro na napaslang sa isang police operation sa Barangay Bantigue, Ormoc City.

Itinakda ng korte sa November 30 ang pagdinig habang target namang matapos ang proceedings sa April 2019.

Una nang nagpasok ng not guilty plea si Espinosa para sa kaniyang kaso kaugnay sa drug trade conspiracy sa arraignment niya sa Makati RTC.

Ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -