29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Erwan Heusaff nais na magmana kay Anne ang kanilang magiging anak

- Advertisement -

Marami ang kinilig sa napakagandang mensahe ni Erwan Heusaff sa kanyang asawang si Anne Curtis para sa kanilang second wedding anniversary.

Sa instagram post ni Erwan, pinost nito ang kanyang maybahay kung saan kitang kita ang baby bump nito.

Sinabi nitong ito na ang huling pagkakataon na magdiriwang sila ng anibersaryo na dalawa lamang sila dahil sa susunod ay makakasama na nila ang kanilang anak.

Aniya, handa na siyang harapin ang mga gabing walang tulog at mas mahabang araw kapag dumating na ang kanilang baby dahil andiyan naman si Anne.

Sa huli, sinabi ni Erwan na nais niyang manahin ng kanilang anak ang looks ni Anne ngunit sana naman ay sa boses niya ang kunin nito.

Una nang inamin ni Anne at Erwan ang kanilang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang video na ipinalabas sa social media nuong linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -