Erap hindi makikialam sa 2 anak na sa posibleng sabay na pagtakbo sa Senado sa 2019

0
41

Hindi makikialam si dating Pangulo at ngayo’y Manila City Mayor Joseph Estrada sa posibleng tagisan ng dalawa niyang anak sa halalan sa pagka-senador sa susunod na taon.

Ito ang sagot ni Estrada sa pahayag ni Senador JV Ejercito na nagtatampo ito sa kanya dahil hindi niya pinigilan si dating Senador Jinggoy Estrada sa planong muling tumakbo sa pagka-senador.

Ayon sa nakatatandang Estrada, malalaki na sina Senator JV at Jinggoy at kaya nang magpasiya kung parehong kakandidato sa pagka-senador o may magpapaubaya sa kanila.

Samantala, sinagot din ni Estrada ang sinabi ni JV na hindi niya ito gaanong natulungan nang tumakbo ito bilang senador noong 2013 dahil sa pagiging abala niya sa paghahanda para mayorial race sa Maynila.

Binigyang diin ni Estrada, hindi magiging mayor ng San Juan City o senador ang kanyang mga anak kung hindi dahil sa kanya.