Entrance exam ng PMA ipinagpaliban dahil sa banta ng COVID-19

0
36

Ipinagpaliban ng Philippine Military Academy (PMA) ang kanilang entrance exam dahil pa rin sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa anunsyo sa Facebook ng PMA, inilipat ang araw ng entrance exam sa magkakaibang petsa sa pagitan ng ika-26 ng Agosto hanggang ika-3 ng Oktubre.

Kasabay nito, inabisuhan ang mga testing center na huwag lalagpas sa 50% ang occupancy sa kanilang mga venue upang maobserba ang social distancing.

Maaari naman umanong ma-download ng mga aplikante ang exam permit sa isang online system.