29.9 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Empleyado ng Hudikatura bibigyan ng 5 araw na ‘special emergency leave’

- Advertisement -

Bibigyan ng 5 araw na special emergency leave ng hudikatura ang mga empleyado nitong direktang naapektuhan ng pagaalburoto ng bulkang Taal.

Sa ipinalabas na memorandum circular number 01- 2020 ni Chief Justice Diosdado Peralta, layon nitong bigyan ng panahon ang mga epektadong empleyado na na linisin ang kanilang tahanan, magpagamot o kaya naman ay kalingain ang iba pa nilang kaanak na biktima rin ng bulkan.

Maaring gamitin ng apektadong empleyado ang kanyang 5 araw na leave na magkakasunod o kaya naman ay staggered basis sa loob ng 30 araw simula nuong January 13.

Ang naturang leave ay hindi ibabawas sa leave credit na mayroon ang empleyado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -