Emergency employment assistance ibibigay sa mga manggagawang apektado ng pagkasunog ng Star City

0
10

Magbibigay ang Department of Labor and Employment o DOLE ng 5.5 milyong emergency employment assistance sa mga manggagawang apektado pagkasunog ng Star City.

Ayon sa DOLE, sa pamamagitan ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/ Displaced Workers Program ay bibigyan ang tinatayang 500 manggagawa ng Star City ng emergency employment sa loob ng dalawang buwan.

Samantala, magsasagawa naman ang Public Employement Service Office ng Pasay ang profiling at assessment sa mga displaced workers para mabigyan sila ng alternatibong trabaho.