30.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Election gun ban ipatutupad na sa Lunes

- Advertisement -

Magsisimula na sa Lunes, Enero 13 ang gun ban para sa may 2019 midterm election.

Nangangahulugan ito ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde na hindi papayagan ang mga may ari ng lisensyadong baril na magbitbit nito sa labas ng kanilang mga bahay bagama’t maaari naman aniayng makakuha ng exemption sa Comelec na siyang magre review ng applications.

Nilinaw ni Albayalde na exempted naman sa gun ban ang mga otoridad na naka duty at naka uniporme gayundin ang mga tauhan ng AFP, Philippine Coast Guard, NBI at iba pang law enforcement agencies.

Uubra rin aniyang ma exempt mula sa gun ban ang mga private security agency.

Para sa mga pulitikong may banta sa buhay sinabi ni Albayalde na maaaring mag apply ng security escorts mula sa PNP-Police Security and Protection Group.

Kasabay nito ibinunyag ni Albayalde ang aniya’y mahigit isang milyong loose firearms na nakakalat sa buong bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -