Eddie Garcia itinanghal na best actor sa 42nd Gawad Urian

0
63

Itinanghal ang beteranong aktor na si Eddie Garcia bilang best actor sa 42nd Gawad Urian para sa role nito sa Cinemalaya movie na ‘ML’.

Kabilang mga tinalo ni Garcia sina Tony Labrusca at Carlo Aquino mula sa pelikulang meet me in St. Gallen , Dingdong Dantes sa pelikulang Sid and Aya at Christian Bables sa pelikulang Signal Rock.

Nominado rin si Garcia sa parehong parangal para naman sa kaniyang role sa hintayan ng langit.

Ang ML ay kaugnay sa martial law era ng dating pangulong Ferdinand Marcos.

Samantala, comatose pa rin ang beteranong aktor at nananatiling naka-life support at nasa do not resuscitate status.