27.9 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Edad 44-50 mas mataas ang tiyansang mahawa sa COVID-19 —study

- Advertisement -

Mas mataas ang tiyansa na mahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga indibidwal na nasa 44 hanggang 50-taong gulang.

Batay ito sa pinakabagong pag-aaral na ginawa ng isang grupo ng mga eksperto, kung saan lumalabas na lubhang delikado para sa indibidwal na itinuturing na middle-aged o ‘yung mga nasa 44 hanggang 50-taong gulang ang mahawaan ng COVID-19 dahil lumalabas na mataas ang fatality rate sa nasabing edad.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Lancet Infectious Diseases Journal, maituturing na ‘determining factor’ ang edad sa kung gaano kadelikado ang magiging impeksyon ng COVID-19 sa isang indibidwal.

Lumalabas na isa sa limang COVID-19 patients na nasa 80-taong gulang pataas ang nasa kritikal na kondisyon, habang 1% lamang ng kabuuang bilang ng mga COVID-19 patients na nasa 30-taong gulang pababa ang kinakailangang ma-admit sa ospital.

Nakasaad din sa pag-aaral na nasa 8.2% ang hospitalization rate ng mga COVID-19 patients na nasa 50-taong gulang pataas.

Gayunman, nasa 4.8% naman ang fatality rate sa mga COVID-19 patients sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -