35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

ECQ extension suportado ng PNP

- Advertisement -

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa hanggang katapusan ng Abril ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force (JTF) COVID shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, sapat ang kanilang puwersa na magbabantay sa mga nakalatag na checkpoints.

Aniya, regular ang palitan ng mga pulis na nakatalaga sa iba’t-ibang checkpoints para maiwasan na rin ang pag-init ng ulo ng mga ito dahil sa pagod.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng JTF COVID Shield, umaabot na sa mahigit 90,000 ang kabuuang bilang ng mga lumabag sa ECQ sa buong bansa mula Marso 17 hanggang ngayong Martes, Abril 7.

Mahigit 63,000 sa nabanggit na bilang ang binigyan lamang ng warning, higit 4,000 ang pinagmulta, habang higit 22 ang naaresto —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -