ECQ extension dedesisyunan ni Duterte ngayong araw —Spox

0
11

Inaasahang pagdedesisyonan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw kung palalawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga lugar na may mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, gagawin ang announcement ng pangulo pagtapos ng magiging pagpupulong nito sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Samantala, magugunitang nakaraang Sabado, Mayo 9. nang magsumite ng rekomendasyon ang 17 Metro Mayors ng kanilang proposals sa IATF gaya ng mungkahing pagpapalawig pa sa ECQ ng dalawang linggo mula Mayo 15 hanggang Mayo 30.