EAMC pansamantalang inilagay sa mobile ref vans ang mga bangkay ng COVID-19 patients

0
17

Pansamantalang inilagay sa mga mobile refrigerator vans ang mga bangkay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.

Ayon kay EAMC spokesperson Dr. Dennis Ordonia, umabot na kasi sa 15  hanggang 20 ang mga labi sa kanilang morgue na dapat sana’y hanggang lima lamang.

Aniya, ang mga bangkay na naiwan sa ospital ay hindi ma-claim at maasikaso ng kani-kanilang mga kamag-anak bunsod ng umiiral na quarantine.

Gayunman, nakipagtulungan na ang ospital sa lokal na pamahalaan upang pangasiwaan ang mga labi ng pasyente, batay narin sa Sanitation Code of the Philippines.