Ilunlunsad na bukas ng Bureau of Immigration ang e-gate system o electronic gate system sa NAIA Terminals 1 and 3.
Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval, layon ng e-gate system na mas mapabilis ang proseso para sa mga Pilipinong nagbabalik bansa, sa halip ng pagpila sa mahabang linya sa Immigration centers.
Tomorrow i-la-launch ang e-gate o electronic gate system… ito po ay manless gate… instead of going to the lines at mag-a-undergo ng napakahabang proseso, ‘yung tao na po mismo ang pupunta sa gate, i-ta-tap ang passport, mag-fi-finger print, biometrics capturing, ‘yung picture ko mismo ay kukuhanan sa gate at magbubukas na ang gate… ‘yung regular processing with an Immigration officer ang average time ay 45 seconds, with e-gate mapapababa ito with for around 8-15 seconds. Sa arrival po ito, for Filipinos. Pahayag ni Sandoval
Target din ng ahensya na makapagtayo ng dalawampu’t isang ‘e-gates’ sa buong bansa.
Dagdag pa ni Sandoval, tatanggapin ng ‘e-gate’ ang may mga updated passport na mayroong ‘chips security feature’.
The event will be launched at an experimental stage at NAIA Terminal 3 tomorrow. ‘Yung passport na may chips, iyon ang tinatanggap ng ating e-gate. Mas mabilis na ang processing, halos wala na po itong pila. Paliwanag ni Sandoval
(Photo Courtesy: Raoul Esperas, DWIZ NAIA Reporter)