E-cigarettes bawal na sa pampublikong lugar

0
43

Ipagbabawal na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng electronic cigarettes sa pampublikong lugar.

Ito’y matapos lagdaan ni Health Secretary Francisco Duque III ang administrative order na nagba-ban sa paggamit ng e-cigarettes at vapes sa pampublikong lugar.

Ang parusa umano sa mga lalabag ay depende sa ordinansa ng bawat lungsod kung saan nahuli ang smoker.

Ipatutupad ang nasabing ordinansa sa oras na mailathala na sa mga dyaryo ang rules at regulations nito.