Duterte, Xi kapwa dumalo sa opening ceremony ng FIBA

0
36

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup 2019 na ginanap sa Beijing, China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si Pangulong Duterte ang tanging head of state na inimbitahan bilangĀ  pangunahing panauhin ni Chinese President Xi Jinping.

Magkatabing nanood ng laro ang dalawang pangulo ng mga naturang bansa na ginanap sa National Aquatics Center.

Samantala, magugunitang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatakdang manood si Pangulong Duterte ng unang laban ng Gilas Pilipinas upang personal naĀ ipakitaĀ ang suporta nito sa team Pilipinas.