Duterte walang pang kautusan hinggil sa pagpapalikas ng mga Pinoy sa Wuhan, China —Spox

0
30

Wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagpapalikas sa mga Pilipino na nasa Wuhan, China.

Ito’y sa kabila ng novel-coronavirus outbreak sa naturang siyudad.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala pang nababanggit ang pangulo ukol dito.

Aniya mahirap din na pilitin ang mga Pilipino na lisanin ang kanilang lugar sa ibang bansa dahil duon sila naghahanap buhay.

Giit ni Panelo, hangga’t pakiramdam ng mga Pilipinong ito na sila ay ligtas sa kanilang kinaroroonan, hindi nila ito basta-basta mapapalikas dahil kabuhayan nila ang nakasalalay dito.

Sa ngayon ay umakyat na sa 56 ang kumpirmadong nasawi dahil sa naturang sakit.