Duterte walang anumang sintomas ng COVID-19 —Panelo

0
15

Walang anumang sintomas ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo subalit kailangan lamang ng pangulo, gayundin ni Senador Bong Go, na sumailalim sa COVID-19 test na payo ng health experts dahil sa regular na pakikipagpulong ng mga ito sa iba’t ibang personalidad.

Una nang inihayag ni Go na sasailalim sa COVID-19 test ang pangulo matapos ianunsyo ng ilang cabinet members ang pagsailalim sa quarantine matapos makasalamuha ang ilang nagpositibo sa COVID-19.