Duterte wala pa ring Speakership bet

0
55

Muling humingi ng dagdag na panahon ang Pangulong Rodrigo Duterte para magpasya kung sino ang i-eendorso sa pagka-House Speaker.

Ayon sa pangulo, nagpatung-patong ang kaniyang trabaho pagkagaling niya ng Thailand kaya’t hindi muna siya makapag-desisyon kung sino ang i-eendorsong bagong Speaker of the House.

Sinabi ng pangulo na makaluwag lamang siya sa mga pipirmahang papeles ay makakapag-isip at makapagpa-pasya na siya sa pipiliing pinuno ng Kamara.

Samantala, nakasalamuha ng pangulo ang ilan sa mga kandidato sa pagka-House Speaker sa thanksgiving party ng Hugpong ng Pagbabago.

Kabilang dito sina Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, Leyte Congressman Martin Romualdez at Taguig Pateros Congressman Alan Peter Cayetano.