27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Duterte tutulak patungong Indonesia para sa ASEAN leaders gathering

- Advertisement -

Tutulak pa Indonesia ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Huwebes, Oktubre 11.

Makikiisa ang pangulo ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Affairs Junever Mahilum-West sa ASEAN leaders gathering sa Bali batay na rin sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.

Kabilang sa mga agenda na tatalakayin ng mga lider mula ASEAN countries ang pagpapalakas ng kooperasyon para matiyak ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon at ang suporta ng ASEAN sa International Monetary Fund (IMF).

Sinabi ni West na gagamitin ding pagkakataon ng pangulo ang nasabing event para personal na i-abot kay Widodo ang tulong ng Pilipinas sa mga nasalanta ng malakas na lindol at tsunami sa Palu City.

Sa pamamagitan ito ng “One ASEAN, One Response Program” bilang bahagi ng disaster assistance.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -