Duterte tuloy ang byahe sa Boracay

0
28

Tuloy ang biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte patungong Boracay sa Huwebes, March 12.

Sa kabila ito nang idineklara ng Pangulo na state of public health emergency dahil sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo pangungunahan ng Pangulong Duterte ang pamamahagi sa Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga agrarian reform beneficiaries sa barangay Manoc Manoc sa Malay, Aklan.

Pagkatapos ng CLOA distribution sinabi ni Panelo na dadalo ang Pangulo sa isang pagtitipon sa isang hotel sa Boracay at makikipag pulong sa mga bisita ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sa kaniyang pagkakaalam inihayag ni Panelo na hindi na mag-iikot ang Pangulo sa Boracay matapos ang kaniyang mga events.