Duterte tinawag si Pangilinan na ‘pinaka-bobo’ dahil sa juvenile justice law

0
47

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinaka-bobong abugado si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan dahil sa iniakda nitong batas na nagpapawalang-sala sa mga menor de edad na nasasangkot ibat-ibang uri ng krimen.

Sa talumpati ng pangulo sa Puerto Princesa City, Palawan, sinabi nitong, wala syang intensyon na sirain ang kanilang pagkakaibigan ni pangilinan, ngunit hindi kasi aniya makatwiran ang batas na tila kinukunsinte lang ang mga menor de edad na nagkasala.

Sa ilalim kasi ng juvenile justice law, hindi maaaring makulong ang mga kinse-anyos pababa na nakagawa ng krimen.

Giit ni Duterte, hindi umano sya maaring manahimik sa isyung ito dahil pamilya at kinabukasan ng mga kabataan ang sisirain ng naturang batas.