Duterte tikom ang bibig sa Recto Bank incident

0
49

Tikom ang bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-bangga ng isang Chinese ship sa naka-angklang Filipino fishing vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Sa kanyang talumpati kahapon sa General Santos City, nabanggit nito ang isyu sa mga rebelde, basura mula sa Canada at ang Kapa investment scam ngunit walang ni isang salita ukol tinawag na hit and run incident sa Recto Bank.

Sa kabila ito ng pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na alam na ng pangulo ang pangyayari sa West Philippine Sea at nagalit pa umano ito sa ginawang pang-iiwan sa mga mangingisdang Pilipino.