Duterte sasailalim sa COVID-19 testing

0
15

Sasailalim sa pagsusuri para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Senador Christopher Bong Go bilang pagtitiyak lamang sa lagay ng kalusugan ng Pangulo.

Paliwanag ni Go, nalantad kasi sa maraming tao ang pangulo kasunod ng iba’t ibang mga aktibidad na dinaluhan nito.

Una na ring ipinakansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang biyahe patungong boracay island para isulong ang turismo. Ulat mula kay — Cely Ortega-Bueno (19)