Duterte sa umano’y paglipad sa Singapore: If I want to leave, I will leave

0
11

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya itinatago ang kaniyang mga byahe sa labas ng bansa.

Ito’y kasunod ng napa-ulat na paglipad ng pangulo nuong weekend patungong Singapore upang magpaggamot.

Ayon sa pangulo, hindi niya kailangang i-sekreto kung siya ay aalis ng bansa dahil hindi naman umano siya gagamit ng pondo ng gobyerno.

Siya din aniya ay mamamayan ng bansang ito at may karapatang bumyahe saan man niya gustong magpunta.

If I want to leave, I will leave. I don’t have to keep it a secret because I will not be using any government funds. That’s not my habit,” ani Pangulong Duterte sa kanyang public address kagabi, Agosto 17.