29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Duterte sa mga katolikong Pilipino: magkaroon ng awa at huwag maging makasarili

- Advertisement -

Awa at hindi pagiging makasarili.

Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga katolikong Pilipino kasabay ng Traslacion ng Itim na Nazareno kahapon, Enero 9.

Ayon sa pangulo, magiging maganda kung matutunan ng maraming Pilipino ang maawa at ang hindi pagiging makasarili.

Sinabi pa ng pangulo na ang krus ng Panginoon ay hindi simbolo ng pagkatalo sa halip ay ng pagkapanalo na siyang nagligtas sa atin.

Tumititibay din aniya ang pananampalataya ng mga Pilipino kahit pa may mga pinagdaraanang problema sa buhay.

Kasabay nito, hinimok ng pangulo ang mga Pilipino na magkaisa para maabot ang mas magandang kinabukasan para sa lahat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -