31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Duterte sa mga kandidato sa 2019: Do not create fear in the voters

- Advertisement -

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidatong pulitiko na nananakot ng mga botante, limang buwan bago ang 2019 midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa turnover ng Armed Forces of the Philippines – Philippine National Police (AFP-PNP) Housing Project sa San Miguel, Bulacan, nagbanta si  Pangulong Duterte na siya mismo ang aaresto sa mga kandidatong naghahasik ng takot.

Ayon sa punong ehekutibo, hindi lamang ang mga kandidato ang saklaw ng kanyang babala kundi maging sundalo, pulis  at iba pa, kapartido man o kalaban sa pulitika.

“Do not terrorize, do not intimidate, do not create fear in the voters. Sasabihin ko yan sa inyo, prangka…prangka from Jolo to Abra, Pag ginawa ninyo ‘yan ako mismo ang pupunta doon at ako mismo mag-aresto sa iyo at ako mismo ang maghila sa iyo. Talian kita sa leeg doon sa ligid ng eroplano.” Pahayag ni Duterte.

Samantala, ipinag-utos din ng pangulo sa AFP at PNP na dalawang security escort lamang ang maaaring mag-escort sa sinumang kandidato.

“Two security lang, because three would be according to the Alunan doctrine, three is a private army. So, pag dumaan diyan sitahin ninyo pagka three more than three kunin mob aril, arestuhin mo dalhin mo sa station kasi alam na nila yan.” Ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -