32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Duterte sa 64 BOC employees: ‘Leave or loose everything’

- Advertisement -

“Leave or lose everything?”

Ito ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 64 na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na nasasangkot sa isyu ng korapsiyon.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa 118th Police Anniversary Celebration sa Camp Crame, kahapon.

Ayon sa pangulo, kung hindi magkukusang mag-bitiw sa puwesto ang mga naturang empleyado ng Customs, ay hindi siya magdadalawang isip na itulak ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga ito.

Dagdag pa ng pangulo, titiyakin niyang mawawala ang lahat sa mga nasabing tiwaling opisyal, at tatagurian aniya itong kahiya-hiyang opisyal ng gobyerno.

Matatandaang ipinatawag ni Pangulong Duterte ang 64 na empleyado ng Customs sa Malacañang at iginiit na walang puwang sa kaniyang administrasyong ang anumang uri ng katiwalian.

Iniligay rin naman ng pangulo ang mga ito sa floating status hangga’t hindi pa ito nasasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -