Duterte no say sa magiging desisyon ng NTC hinggil sa prankisa ng ABS-CBN —Spox

0
18

Hindi panghihimasukan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano man ang magiging desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa pasong prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi maaaring ma-impluwensyahan ng pangulo ang magiging desisyon ng NTC gayung ibabase sa batas ang ilalabas nitong hatol.

Dagdag pa ni Roque, tugon na lamang ng NTC ang inaantabayanan ng Office of the Solicitor General kaugnay sa naturang usapin.

Magugunitang binalaan ni Solicitor General Jose Calida ang mga commissioner ng NTC na maaari silang maharap sa anti-graft and corrupt practices kapag binigyan nito ng provisional authority ang ABS-CBN dahil naaayon aniya sa batas na tanging Kongreso lamang ang may kapangyarihan na magbigay ng prangkisa sa mga broadcasting companies.