Duterte natuwa sa pagtanggap ni Robredo maging drug czar

0
17

Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggap ni Vice Poresident Leni Robredo sakanyang alok na pagiging co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inaasahan ng Pangulo na makikita ng Bise Presidente ang totoong sitwasyon sa sistema ng pagsasawata sa iligal na droga maging ang kalagayan ng pamahalaan laban sa extrajudicial o state sponsored killings.

Aniya, sana ay maintindihan rin ni Robredo na may nangyayaring patayan dahil sa mga umano’y nanlalaban sa mga otoridad.

Samantala, tiniyak naman ni Panelo na ibibigay ng kalasukuyang administrasyon ang buong suporta sa Bise Presidente kaugnay sa kapanya kontra iligal na droga.