Duterte nasa maayos na kalusugan para gampanan ang kanyang trabaho

0
10

“Green of health”

Ganito inilarawan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pahayag nitong masama ang kanyang pakiramdam.

Ayon kay Panelo, bagamat maraming karamdaman ang pangulo ay maituturing paring itong pangkaraniwan o normal dahil tumatanda na ito.

Aniya, nagagampanan pa rin ni Pangulong Duterte ng maayos at epektibo ang pagpapatakbo ng bansa sa kabila ng kanyang mga nararamdaman, kung kayat hindi pa rin binabago ang schedule nito.

Maituturing na pinakamatandang nahalal bilang lider ng bansa si Pangulong Duerte sa edad na 74 na taong gulang.