Duterte naniniwalang madadagdagan pa ang kanyang masisibak sa Customs

0
41

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kung madadagdagan pa ang kanyang masisibak at malilinis ang Bureau of Customs (BOC).

Sa kaniyang talumpati sa oath taking sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na una na siyang nakapagsibak ng 64 na BOC personnel at kung maari ay magsisibak pa siya ng 100.

Sinabi pa ng pangulo na noon aniyang bata pa siya sa Davao City ay puro mga taga-Customs ang mga may mayayaman at mga may kotse.

Kasabay nito, hinimok ng pangulo ang mga bagong talagang opisyal na tulungan siyang labanan ang kurapsyon.