Duterte nakatakdang magtungo sa Calbayog, Samar ngayong araw

0
40

Nakatakdang magtungo ng Calbayog City sa Samar si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Ayon kay Senador Bong Go, bibisitahin ng Pangulo ang burol ng dalawang sundalong nasawi sa engkwentro sa Calbayog noong Biyernes at personal na magpapaabot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya.

Magugunitang nasawi ang mga sundalong sina 2nd Lt. Geroe Jade Nicor at Corporal Joel Canico ng 43rd infantry battalion matapos maka-engkwentro ang New People’s Army (NPA).

Manggagaling sa Maynila si Pangulong Duterte patungong Calbayog bago ang nakatakdang biyahe sa China bukas.