Duterte nakatakdang bumuo ng hit squad na ipangtatapat sa NPA’s Sparrow Unit

0
47

Nakatakdang bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng sarili niyang armadong unit upang ipantapat sa sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ng pangulo na ipangatapat niya ang kanyang “Duterte Death Squad” laban sa hit squad ng NPA, kung saan bubuin aniya ito ng mga sibilyan.

Ayon sa pangulo, wala ibang gagawin ang mga miyembro ng Duterte Death Squad kundi bantayan ang mga istambay at galaw ng mga miyembro ng NPA.

Binigyan diin rin ni Pangulong Duterte na tutumbasan niya ang talento ng npa na eksperto sa assasination.

Giit pa ng pangulo, habang patuloy niyang pinagsusumikapan ang pagsulong sa kapayapaan ay patuloy rin aniya ang pagpatay ng NPA sa mga pulis at sundalo.