Duterte nakaisip na ng solusyon sa mga cancelled flights sa NAIA

0
44

Nakaisip na ng solusyon ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga cancelled at delayed flights sa NAIA.

Kasunod na rin ito, ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo ng direktiba ng pangulo kay DOTr secretary Arthur Tugade na tiyaking magiging operational kaagad ang Sangley Airbase sa Cavite.

Sinabi ni Panelo na lumalabas kasi sa presentation ni Tugade ang Sangley Airbase ang nakikitang alternatibo para sa mga general aviation at domestic flights.

Magugunitang nadismaya ang pangulo sa isinagawang surprise visit dahil sa maraming cancelled at delayed flights sa NAIA.