30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Duterte nakabalik na sa bansa

- Advertisement -

Kinumpirma ng Malakaniyang na nakabalik na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang limang araw niyang pagbisita sa China.

Madaling araw kanina nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City kung saan, sinalubong ito ng mga opisyal mula sa militar at pulisya.

Magugunitang nakipag-pulong ang Pangulo kay Chinese President Xi Jinping kung saan, iginiit nito ang ruling ng arbitral court hinggil sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Naging tampok din sa ika-limang pagbisita ng Pangulo sa China ang panonood nito sa opening ng FIBA World Cup Asia Qualifiers 2019 kung saan, hindi pinalad ang Gilas Pilipinas sa unang laban nito sa Italy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -