Duterte nais maparusahan ang mga tripulante ng Chinese vessel na bumangga sa mga Pinoy

0
37

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maparusahan ang mga tripulante ng Chinese vessel na bumangga sa mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag habang nasa Beijing, China.

Ayon sa pahayag ng Pangulo na binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media, sinabi niyang dapat na mapatawan ng sanction ang Chinese crew para na rin sa matuldukan na ang isyu at hindi na itong maulit pa.

Ikinalugod naman ng Pangulo ang paghingi ng paumanhin ng may ari ng Chinese vessel gayundin ang kahandaan nitong bigyan ng kompensasyon ang mga mangingisdang Pinoy.