28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Duterte nais ipahawak kay Roque ang kaso laban sa Maynilad at Manila Water

- Advertisement -

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa si Atty. Harry Roque ang kaniyang napili na tumayong abogado ng gobyerno kaugnay sa kontrobersyal na kontrata ng Maynilad at Manila Water.

Sa kaniyang talumpati sa anibersaryo ng isang religious group, sinabi ng pangulo na isa sa mga kakatawang abogado si Roque sa sandaling makarating sa Korte ang usapin hinggil sa kontratang pinakinabangan umano ng dalawang water concessionaire.

Giit pa ng pangulo, masyado nang napagsamantalahan ng mahabang panahon ng mga may ari ng dalawang kumpanya ang mga Pilipino.

Kasabay nito, ibinilin ng pangulo sa taumbayan na huwag pababayaan ang kaso sa kwestyunableng kontrata sakaling maabutan ng pagtatapos ng kaniyang termino at hindi pa nareresolba ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -