32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Duterte nais ding isailalim muli sa lockdown ang bansa, pero pondo ubos na

- Advertisement -

Ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga doktor at health workers na siya man ay nais niyang isailalim muli ang bansa sa mahabang lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y kaugnay pa rin sa naunang paghiling ng mga medical frontliner ng timeout dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ngunit sinabi ng pangulo wala ng pondo ang gobyerno para suportahan pa ang pangangailangan ng mga Filipino sa gitna ng pandemya.

Alam mo, sa mga doktor, sabihin ko sa inyo, hindi ko na sila (publiko) mapigilan, dahil po wala na akong pera na ibigay sa kanila. Kaya kailangan sila lumabas para magtrabaho. I-lockdown ko, ubos na ‘yung pera na ibinigay ng congress na bigyan kayo ng ayuda. ‘Yung pera panggastos, wala na ako niyan,” ani Duterte.

Giit ng pangulo, kaniyang pinapayagang lumabas ang mga Pilipinong kinakailangan nang magtrabaho upang makakain ang kanilang pamilya dahil hindi na ito kayang suportahan ng gobyerno.

Tatanggapin ko ‘yan kasi di ko na kayo mapakain lahat eh. Noon may pangbigay ako. Kung meron ako pambigay, ibibigay ko sa inyo araw-araw para mabubuhay kayo, makakain. Problem is funds are already depleted,” ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -