Duterte nagpaabot ng ‘good luck message’ sa mga manlalarong sasabak sa SEA Games

0
19

Nagpaabot ng good luck message si Pangulo Rodrigo Duterte sa lahat ng mga manlalarong sasabak sa 30th Southeast Asian  (SEA) Games.

Sa mensahe ng pangulo, kanyang hinihiling ang tagumpay ng lahat ng mga atleta kasabay ng pagpapaabot ng mataimtim na panalangin para sa mga ito.

Una na ring nagpaabot ng good luck wish ang Malakanyang sa mga manlalarong Filipino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hangad nilang magtagumpay ang mga atletang filipino at makakuha ng mas maraming gintong medalya kumpara sa mga nasungkit sa nakaraang SEA Games.

Samantala, tiwala naman ang Malakanyang na hindi maaapektuhan ng ilang kontrobersiya at nangyaring mga aberya sa paghost ng Pilipinas sa 30th SEA Games ang mga manlalarong Pinoy.