Duterte: Mga evacuees sa Batangas dapat manatili muna sa mga evacuation centers

Duterte: Mga evacuees sa Batangas dapat manatili muna sa mga evacuation centers

by Powered by DWIZ
53 views

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Batangueño na huwag munang bumalik sa kanilang tahanan dahil hindi pa rin tiyak ang kaligtasan bunsod ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Sa pagtungo mismo ng pangulo sa Batangas Provincial Sports Complex para mamahagi ng tulong sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng bulkang Taal, sinabi nito sa mga residente na wala munang babalik sa kanilang bahay hangga’t hindi pa kalmado ang bulkang Taal at hindi pa tiyak ang kaligtasan sa lugar.

Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na may sapat na pondo at relief supplies ang pamahalaan para ayudahan ang mga residenteng apektado ng bulkang Taal.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pamamahagi ng P3,000 financial aid at food packs sa bawat pamilya na nasa evacuation center.

0 comment

Related Posts