Sunday, May 5, 2024

Duterte may itinalaga nang bagong PCG commandant

- Advertisement -

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice Admiral Joel Garcia bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito mismo ang kinumpirma ng PCG bagaman wala pang pormal na anunsiyo ang Palasyo ng Malacañang ukol dito.

Sa appointment letter na inilabas ng PCG, nakasaad na ang pagkakatalaga kay Garcia ay pinirmahan ng pangulo kahapon, Oktubre 21.

Dahil ditto, si Garcia na ang magiging ika-28 commandant ng PCG.

Sa ngayon, inaasahan namang pormal na umupo sa pwesto si Garcia sa Huwebes, Oktubre 24 kung saan papalitan nito si Admiral Elso Hermogina na magreretiro na sa puwesto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img