Pagpatay sa kolumnista ng ‘Remate’ kinondena ng PTFoMS

0
14

Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpatay sa kolumnistang si Jupiter Gonzales ng ‘Remate’.

Ayon kay PTFoMS Executive Dir. Joel Egco, nakikipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa Philippine National Police (PNP) para sa mabilis na pagsasagawa ng imbestigasyon.

Aniya, tutukan ng task force ang imbestigasyon na una nang ikinasa ng PNP.

Paliwanag ni Egco, hindi kasi maiaalis ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Gonzales.

Gayunman, mayroon ng person of interest ang pulisya sa krimen kung saan sinasabi na kilala ng biktimang si Gonzales ang suspek sa krimen.