35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Gamboa nanindigang malilinis ang imahe ng PNP sa kanyang pamamalakad

- Advertisement -

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lieutenant General Archie Gamboa na maitatama ang hindi magandang imahe ng PNP sa ilalim ng kaniyang pamamalakad.

Ito ang binigyang diin ni Gamboa matapos ang nangyaring malawakang balasahan sa hanay ng PNP kung saan sinabi nito na ang naturang hakbang ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga pulis na mag-umpisang muli.

We did the reshuffle, una, to give it a fresh start, a new start; with guidelines and guidance, ibig sabihin bibigyan ko kayo ng panibagong mandato but we start anew; but, bibilangan ko kayo. Tingnan ko ang lahat ng performance niyo for 3 months, at after 3 months kung hindi kayo nagperform, e, balasahan ulit tayo,” ani Gamboa.

Gayunman, sinabi ni Gamboa na mahigpit niyang babantayan ang performance ng mga pulis at hindi aniya siya magdadalawang isip na magsagawa ulit ng balasahan kung magpapatuloy ang katiwalian sa hanay ng pulisya.

So, parang, bigyan mo sila ng mandato, bigyan mo sila ng objectives, but, sabihin natin ‘hey, tinitingnan ko kayo, at sinusukat ko kayo’. Of course, I admit, this has been triggered by reason of a directive coming from the President na magkaroon ng revamp,” ani Gamboa.

Una rito, binigyang diin ni Gamboa na may basbas mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinagawang balasahan kung saan isasailalim sa tatlong buwang probation ang mga bagong talagang pinuno ng PNP sa iba’t-ibang posisyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. — sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -